oras - 9:12pm
klima- maulan dahil sa bagyong egay
Gabe na, lakad-takbong tinatahak ni mariposa ang masukal na daan pauwi sa kanyang inuupahang bahay. hindi niya lubos-napansin ang mga nagagandahang babaeng naghahalakhakan sa tabi ng daan. pati na mga rugby boys, ay di rin niya alintala. ang nasa isip niya ng gabing yun, ay ang makauwi agad. hindi siya sanay magdala ng payong, kaya madalas ay naaambunan siya at nauuwi sa sakit ng ulo at sipon.
Huminto siya sa pinto ng kanyang tinitirahan, inilabas ang maliit na susi at mabilis nyang tinulak ang pinto paloob ng bahay. Kinapa nya ang switch ng ilaw at binuksan ito.
binuhat niya paakyat ang mabibigat na katawang pinagod ng buong maghapon na trabaho. napabuntong hininga siya. sa wakas, makakapagpahinga na naman siya. Umupo siya sa gilid ng kanyang higaan at tinignan niya ang kulay kahel na orasan na nakabitin sa kaliwang dingding ng kanyang maliit na kwarto. eksaktong alas onse at bente tres ng gabe…ngbilang siya….
alas dose
ala una
alas dos
alas tres
alas kwatro
alas singko
alas sais
pitong oras rin pala ang tulog ni mariposa. tumayo siya at kumuha ng damit pantulog. medyo may kalamigan ang ihip ng hangin, kaya pumili siya ng makapal-kapal na pajama, at isang manipis at lumang sando na pang-itaas. dali-dali niyang tinungo ang banyo, at nghilamos…malamig ang bawat patak ng tubig sa gripo, sa sobrang nginig, ngmadali siya at nagbihis. umakyat sa knyang maliit na kwarto…tinungo nya ang salamin na nakabitin sa bandang kaliwa ng knyang kabinet. nagsuklay siya. maya maya pa ay napaupo na siya sa kanyang higaang medyo may kalambutan…. "masarap matulog, kapag malamig" aniya…..at muli pa ay, napabuntong hininga siya…sumandal siya sa dingding, kung saan nakadikit ang kanyang higaan. dinama nya ang hanging nanggagaling sa bintana, na kahit may nakalagay na kurtina, ay damang-dama pa rin ang lamig na nagmumula sa labas…
pero di pa siya makatulog; may kung anong sumagi sa kanyang isipan ng mapatingin siya sa lumang kalendaryong nakasabit katabi ng kanyang kwadradong salamin…seryoso nyang tinitigan ang kalendaryo..
"kross..kross..wala..kross..wala..wala..wala..wala..kross..wala.."
napangiti siya ng nakita niya ang numero "kinse"…
"kross..wala..wala..kross..wala..wala..wala..wala..kross……"
natigilan siya…..
hanggang kelan ba siya ganito? bakit kailangang mangyare ang mga bagay-bagay sa mundo? lahat ba may dahilan? o ang lahat-lahat ay puro ilusyon lamang?
nagiisip siya…tila nawala ang antok, na kanina pa niya nararamdaman habang lulan ng dyip pauwi sa kanyang tinitirahan. iniisip niya ang mga ngyare sa kanya. ngunit wala siyang maalala. pero ang totoo, pinipilit niyang kalimutan ang lahat…pero, parang tila mahirap…napapikit siya, at sabay ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi.
muling umihip ang hangin…at sa pagihip nito, sabay nman ang pagpahid sa kanyang mga luha…sinabi nya minsan sa sarili, na di na muling iiyak…pero, eto napaluha na naman sya.
hindi naman niya sinasadya ang lahat…hindi rin niya sinasadyang gamitin ang kalendaryo…pero and di niya lubos akalain, na mangyayari ang lahat ng di nya inaasahan….mapaglaro pala ang tadhana….madalas siyang humiling, pero sa pagkakataong ito, mali pala ang hiniling niya.
hindi na maibabalik ang lahat….ang lahat ay pawang alaala nalamang sa kanyang murang isipan…Natahimik siya……sa loob ng maliit niyang kwarto, bumabalik lahat ng alaala niya. pinipilit niyang makapiglas sa nakaraan, pero lalo lang sumasakit ang ulo niya, kasabay nito ay ang kirot na nararamdaman nya sa puso niya. kung eto lang siguro ang ginawa nya, ndi na aabot sa ganito…siguro ganito…siguro ganyan…pero wala na…sa talino nyang angkin, nauwi lang sa wala ang lahat.
pero iba na ang buhay niya ngayon, mas tahimik…walang istorbo…walang problema. hindi na niya kailangan magpaalam pagaalis siya. nakakauwi na siya sa oras na gusto nya. malaya siya…malaya siya sa lahat…pero hindi pala sapat ang mga yun….may kulang….at sa pagbabago ng buhay niya, nakalimutan niya na rin palang magmahal.